PERIOD·de·CAL(alifornia): ang pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa
-
tunghayan ang ilang detalye ng pagbabalik ng abo ng labi ni kaka sepa sa
balsahan sa PERIOD·de·CAL(alifornia).
Saturday, November 1, 2008
orig na taga-balsahan
ang larawang ito ay kuha ni ate zeny reyes javier na anak ni lola trining reyes at ibinigay ito sa aking lola pacing mangahas. larawan ito ng ating mga lola sa balsahan. kuha ito sa tabi ng bahay ni kaka sepa pilpil. bihirang magkakasama at makuhanan sila ng litrato kaya't isang malaking pagkakataon at hindi na maaaring mangyari pa sapagkat hindi na natin sila kapiling. sila ay ating ginagalang at kinikilala . sa mga hindi na inabutan ang nasa larawan , sila ay ang mga sumusunod:
(mula sa bandang kaliwa:)
ate nene unawa; nasa likod ay si lola pacing mangahas; kaka maleng hernandez; lola inez pinco; lola syanang paman; nasa likod niya si kaka kikay ganac; kaka paring toribio; kaka abiang at lola menang pinco macapagal.(picture courtesy of luz gutierrez)
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
Kilala ko sila lahat na nasa picture. Paano ba malilimutan ang mangga na may bagoong o kaya ay heko at nilagang saging ni Ate Nene. Ang maliit na tindahan ni Kaka Maleng kung saan ay bumibili ako ng isang perang caramel candy o kaya ay singkong tira-tira. Ang alagang baboy ni Lola Ines, ang batyang hawak ni kaka Kikay para maglaba sa boluntaryo (poso sa aming tabing bahay na tuloy-tuloy ang daloy ng tubig at pinupuno ang tangke na kalimitan ay ginagawa naming swimming pool), ang luglog, kilawin at goto ni Ate Sepa. Simpleng buhay, walang gaanong problema. Singko lang ang pera mo makakain ka na. Kung gusto mong malibang...tumalon ka sa ilog at malambitin ka sa puno ng akasya at magbatuhan kayo ng ebak. Kung hindi ka pa rin masiyahan, sa gabi alanduyan tayo.
ReplyDeleteoo nga. maraming salamat sa mga kwento mo. kay sarap alalahanin noong araw parang ang gaang lang ng buhay. siguro simple lang ang pamumuhay noon.
ReplyDeleteTama ka dyan gil, at napakasaya ng ating nakaraan.Npakasarap sariwain noong araw ay sama sama tayo sa looban at sa labasan.sana at panatiliin mo ang mga kumentong ganito.maraming salamat gi.
ReplyDelete