Saturday, February 7, 2009

picnic sa may tabing-ilog

Ang Balsahan picnic! Ito ay pangkaraniwang idinadaos, may okasyon man o wala. Sa pagkakataong ito nagpa-operation linis ako sa Balsahan (looban at labasan) na sinamahan ng pag papapinta ng paso. Ito ang naging kabuuan ng hirap at pawis para sa baranggay. Masayang pinagsaluhan ang sinigang na kahit buto-buto lang ay kasiyahan ang naidulot sa bawat isa na masasabing tayo ay taga nayon ng BALSAHAN.(ang video na ito ay kuha sa likod bahay ng kauna-unahang kapitana ng balsahan, kapitana pacing pilpil na nakaugalian nating tawagin ate pacing. pagkatapos ng picnic ay hihiga sa ilalim ng acacia. hayyyyyyyy!!!!! ang picnic sa balsahan, sana'y maulit muli.) ........ Kuya Ding reyes






Thursday, January 29, 2009

more pictures


TROPANG BALSAHAN 1: kilalanin ang mga nag iinuman, nandyan ba kayo? Ang inuman ay ugaling pinoy na panahon pa ng kastila ay dinadaos na, lalo't may pagdiriwang...DING REYES



ANG BAHAY NG KAKA OLEP AT KAKA TRINING: Sino ang hindi makakakilala sa tanawing ito, maliban na lamang kung hindi ka taga balsahan. Ang lugar na ito sa paligid ng aming bahay ay siya nating tinatawag na " BULUNGAN SA TABING ILOG"...DING REYES




D ANTAY AL2 (ALATO OR BALATO) :Ito ang ating palagiang biruan " ILAG AYAN ANG MGA ANTAY ALATO". Hindi sasaya ang samahan kung wala at maidaos ang ganitong biruan....DING REYES

BALSAHAN TROPA 2: Ang isa pang eksena ng inuman sa balsahan at naka yakag pa ng isang dayuhang taga hawaii ( MAHI asawa ni christine reyes anak ng kuya deven)...DING REYES

ang balsahan picnic



ANG BALSAHAN PICNIC: Isa ito sa tunay na hindi malilimutan kapag ikaw ay taga balsahan. Sa kaunting ulam tulad ng sardinas (ligo) ay hahaluan ng katakot-takot na sibuyas at isang baldeng tubig ay ulam na at picnic na. Sino ang makakalimot sa isang latang corned beef ay hahaluan lang ng tatlong ulo ng repolyo at isang baldeng tubig ay picnic na. Ito ang buhay-saya ng mga taga balsahan noong araw na sa saglit na pag sasalo ay ating naidadaos ang tawanan at pagkakaibigan. Ang sabi nga sa isang sikat na kanta ngayon " SANA'Y MAULIT MULI"........DING REYES

Monday, January 26, 2009

Balsahan Bulungan


ANG BULUNGAN: Ito ang Balsahan Bulungan na halos sa ating henerasyon ngayon ay ating na gisnan na pinangasiwaan ng ating Kaka Trining. Ang tanging hanap-buhay na halos lahat ng taga balsahan ay nakinabang sa kaunting ulam na maiabot ng Kaka Trining sa atin na may kasamang mura ng pagmamahal. Nang namayapa na ang Kaka Trining ang ating Kuya Lito Reyes na ang siyang nag-asikaso nito hanggang noong nakaraang taon. Magugunita na sa buong bayan ng Naic, tayo lamang sa Balsahan ang may bulungan, subalit sa pagbabago ng panahon ay masyado ng nahirapan pumasok sa dulo ng Bucana ang mga bangka at ang mga bulungan ay naglabasan sa mga baybay-dagat tulad ng BAROK BULUNGAN ,ay siyang hanguan ng mga sariwang isda sa Naic ngayon. Kaya ang BALSAHAN BULUNGAN ay tuluyang ng isinara noong nakaraang taon ( 2008) ng mga Reyes. Ganun pa man ang bulungan sa Balsahan ay hindi malilimutan at sana ay maging daan ito sa ating mga kuwento sa mga kaanak na darating pa sa susunod na henerasyon.......DING REYES

Monday, January 5, 2009

ilog balsahan


ito ang ilog balsahan. maraming bangka ang dumadaong dito. dito naliligo ang mga taga balsahan kapag tag-araw. maraming masasayang ala-ala ang naiwan ng ilog na ito sa ating mga kanayon.(picture courtesy of ding reyes.)



dito nanghuhuli ng isda ang tropa para may ulam . sa pamamagitan ng pante (maliit na lambat), makakahuli ng isdang asube, banak at kitang. (picture courtesy of boyet lopez.)